Biyernes, Marso 3, 2017

Kabanata 9:

Buod:
 
           Naging usapan ang nangyari sa pamilya ni Juli.Nagpakita ng pagkapino ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang batalyong kawal na pinaikot sa bayan upang mahanap ang tulisan at ang simbahan na pinagsisilbihan ni Padre Clemente ay nanindigan at ang akala ng mga kuro ay tama ang kanilang pag sumbong na si Kabesang Tales ay may dala-dalang sandata sa pagbabantay sa lupaing inangkin.Ayon kay Padre Clemente ay parusa ito ng kalangitan ang nangyari kay Kabesang Tales at hindi sana ito dinukot ng mga tulisan kung si Kabesang Tales ay nagpahinga sa bahay niyang dampang.Tsinismisan si Juli ni Hermana Penchang sa mga kaibigan nito at ang matandang Hermana Penchang ay sinabihan ang kaibigan na kung hindi ito naawa kay Juli ay hindi sana niya tutulungan si Juli.Ipinilit ni Hermana Penchang kay Juli na isaulodo ang mga dasal.Pinahirapan ni Hermana Penchang si Juli upang maging sulit ang binauad kay Juli.Nagalit ang Hermana nung nalaman niya na pumunta si Basilio sa maynila upang kunin ang mga natatagong alahas upang ipantubos kay Juli.

Mga Tauhan:



Tandang Selo
-Ama ni Kabesang Tales na gustong magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.


Padre Clemente
-Ang Prayle na pumilit na makuha ang lupa ni Kabesang Tales


Basilio
-Anak ni Sisa


Kabesang Tales
-Si kabesang tales ay ang ama ni Juli at ang anak ni Tata Selo.


Hermana Penchang
-Ang matandang babae na pinagsisilbihan ni Juli.


Juli
-Ang nagsisilbi kay Hermana Penchang upang matulungan ang tatay niya na si Kabesang Tales





Pilato

-Gobernador Heneral ng Jerusalem na nagpapalaya ng mga bilanggo kapag araw ng pyesta.










Suliranin:
             
            Ang suliranin na makikita sa kabanta 9 na pinamagatang "Si Pilato" ay ang panghuhusga sa pamilya ni Kabesang Tales dahil sa mga tsismis na nakalat.

Isyung Panlipunan:

             Ang isyung panlipunan sa kabanata 9 ay ang pag-aabuso o panghuhusga sa mga taong katulad sa pamilya ni Kabesang Tales kung saan sila ay naghihirap dahil sa mga dinaanan nila.

Gintong aral:

           Ang pagtapak ng ibang tao upang mapaunlad ang sarili ay isang desisiyon na masama at kung ito ay para sa kaligayahan ng sarili lamang.Dapat respetuhin ang buhay ng ibang tao dahil hindi natin alam ang dinadaanan nila at ang naramramdaman nila habang sil ay nasa mapait na buhay.